Nagbabala kahapon sa publiko si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng magkaroon ng
pagtaas ng dengue cases sa bansa ngayong taon.
Hanggang ngayong Hunyo aniya ay mahigit sa 70,000 ang na-dengue, batay na rin sa naitala ng
Department of Health (DOH).
Inaasahan na aniya nilang posibleng umabot pa ito hanggang 200,000 bago matapos ang taong ito.
Paliwanag ng kalihim, ang dengue ay hindi seasonal lamang at itinuturing na all-year round problem
kaya’t dapat aniyang maging maingat ang lahat laban sa naturang sakit.
Aniya pa, tuwing ikatlo hanggang ikaapat na taon, ay inaasahang tataas ang dengue cases, tulad na
lamang aniya noong mga taong 2009, 2013 at 2016, na pumalo rin ng may 200,000 ang naitala nilang
dengue cases sa bansa. # Source -- Mary Ann Santiago/DOH
No comments:
Post a Comment