Friday, February 1, 2019

‘'PENSION NG RETIREES, PWD'S TATAAS NG P1,000' - GSIS

Magandang balita ang sasalubong sa members ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa inaasahang dagdag na P1,000 pension para sa mga retirado at persons with disabilities (PWD).

Sinabi ni GSIS president Jesus Clint Aranas, na posibleng sa darating na Pebrero hanggang Marso mailabas ang kanilang resolusyon na magtataas sa halaga ng basic pension mula sa kasalukuyang P5,000 patungong P6,000.

Paliwanag ng opisyal, resulta ng stable na fund life ang nasabing hakbang.

Ibig sabihin, hangga’t banayaad ang estado ng pondo ng GSIS ay posibleng taasan pa nila ang pension.

 “As long as it does not affect our fund life, increase kami so we already passed a resolution increasing it, mararamdaman na ng mga pensioner namin,” ayon sa GSIS president.

Nilinaw naman ni Aranas na walang magiging epekto ang pension increase sa kontribusyon ng mga miyembro nito. #  Source  – BOMBO RADYO

No comments:

Post a Comment