Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa 2017, tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Filipino: Wikang Mapagbago”.
Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s 117;
Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibikp; at
Maganyak ang mga mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa. # Source: DepEd memo Blg 58/www.dilg.gov.ph
No comments:
Post a Comment