Pinaigting ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulongan ng Department of Education (Dep Ed) ang kampanya laban sa sakit na tigdas, tetanus at tuberculosis sa Ilokos sa paglulunsad ng kauna-unahang School Based Immunization Program.
Sinabi ni Director Myrna Cabotaje ng DOH- Regional Office 1, na ang pagbabakuna sa mga paaralan na puntirya ang mga Grade 1 at Grade 7 ay masimulan sa 2015 at tuloy- tuloy na maipatupad na kada taon para mapalawak ang immunization program ng pamahalaan.
Sa naganap na ceremonial immunization sa Ilocos Sur National High School Conference Hall sa Heritage City noong Agosto 3, idiniin ni Cabotaje na “ang booster doses sa pagbabakuna ay kailangan para mapanatili ang mataas na level ng proteksyon sa mga bata dahil bumababa ang proteksyon dulot ng ibang vaccines.”
Ang naaangkop na bakuna na inirekomenda ng DOH ang maipapatupad sa School Based Immunization dahil ang ultimong adhikain ng pagbabakuna ay mapuksa ang sakit at ang immediate goal nito ay maiwasan ang sakit, iginiit ng opisyal.
Para sa Grade 1, ang dose ng bakuna ay depende sa immunization history para sa Measles Robella at isang dose anuman ang immunization history para sa Tetanus Diphteria samantalang ang para sa Grade 7, isang dose sa Measles Rubella at isang dose rin sa Tetanus Diphteria anuman ang immunization history nila., sinabi ng director.
Sinabi niya na ang Philippine Expanded Program on Immunization ay nakatuon sa probinsyon ng libreng bakuna para sa mga sanggol para sa pangunahing serye ng proteksyon laban sa sakit sa mga darating na taon.
Sa naganap na Media Forum sa E-Library ng ISNHS na PIA ang moderator at naipalabas sa Iluko Heritage Channel , People Television Ilokos at T Vigan at napakinggan sa DZVV Bombo at DWRS, hinikayat ni Cabotaje ang mga magulang at guro na makipagtulongan para magtagumpay ang programa ng pagbabakuna sa mga paaralan para malabanan ang mga virus at anti- bodies na sanhi ng maraming sakit sa mga batang mag-aaral.
Mahirap maipatupad ang pagbabakuna sa bahay-bahay kaya puntirya ang lahat ng paaralan sa bansa sa pagtutulongan ng DOH, DEP-ED at Department of Interior and Local Governments ( DILG) , idinagdag ni Cabotaje
Sa pagsambit sa temang “Bakuna Para sa Kabataan, Protekson sa Kinabukasan” idiniin din ng opisyal ng DOH na sa administrasyon ni Pres. Benigno Aquino 111 “ Sa Tuwid na Daan, Kalusugang Tuloy-tuloy para sa Pamilyang Pinoy.” # Source - (Ben P. Pacris/PIA-1 Ilocos Sur)
No comments:
Post a Comment