Thursday, November 29, 2018

PHILHEALTH FUND, STABLE PA KAHIT MAY EXPANDED HEALTH CARE

Mananatili pa umanong stable ang PhilHealth sa susunod na dalawang taon, kahit maipatupad na ang Universal Health Care program, kung saan covered na ang lahat ng Pinoy.

Ayon kay Senate committee on health chairman Sen. JV Ejercito, base sa kanilang projection, sa ikatlong taon tiyak na dadami na ang beneficiaries.

Kaya naman, mas kailangan na umano ang dagdag na pondo, dahil hindi na sasapat ang suporta mula sa PAGCOR at dating savings ng ahensya.

Nangako rin umano ang PhilHealth na hindi magtataas ng premium contribution kung walang bagong benepisyo na maipagkakaloob.

Target ng Kongreso na ma-ratify ito sa susunod na linggo, para maipadala sa Office of the President. # Source – Bombo Radyo

No comments:

Post a Comment