Wednesday, November 28, 2018

X'MAS VACATION SA PUBLIC HIGH SCHOOL, ELEMENTARY MAS PINAAGA NG DEPED

Mas pinaaga ng Department of Education (DepEd) ang bakasyon ng mga estudyante sa elementarya at high school sa buwan ng Disyembre.

Sa ginawang anunsiyo ngayon ni DepEd Sec. Leonor Magtolis-Briones sa pamamagitan ng Department Order 049, series of 2018, itinakda ang christmas break ng mga estudyante sa December 15, 2018 sa halip na dati ay December 22.

Binigyang halaga ng kalihim ang kahalagahan na makasama ng mga bata ng mas mahabang araw ang kanilang mga pamilya sa panahon ng christmas holiday.

“We have been listening to the suggestions of the Senate, the Executive, the Congress, and the parents,” ani Sec. Briones.

Sa kabila nito, hindi naman magbabago ang pagbabalik ng klase sa elementary at high school sa January 2, 2019 na araw ng Miyerkules o pagpasok ng bagong taon.

Gayundin hindi magagalaw ang pagtatapos naman ng school year sa April 5, 2019 na araw ng Biyernes. # Source - DepED/Bombo Radyo

No comments:

Post a Comment