Tuesday, November 10, 2015

LIBO-LIBONG PUNO NG NIYOG MAITATANIM SA ILOCOS SUR

Magtatanim ang pamahalaan ng Ilocos Sur ng 18,700 na puno ng niyog sa tabi ng mga ilog at karagatan bilang tugon sa climate change o nagbabagong panahon.

Ayon kay Raymund Sinay, Environment and Natural Resources Management Officer ng provincial government, may kasundunan ang Philippine Coconut Authority at ang pamahalaang probinsyal na pinamumunuan ni Gob. Ryan Luis Singson para sa pagtatanim ng 18,700 na coconut seedlings sa mga tabi ng ilog at malapit sa mga karagatan para malabanan ang epekto ng “Global Warming.”

“Palalamigin natin ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng niyog sa tabi ng mga ilog at mga coastal areas,” ni Sinay.

Hiniling ng opisyal sa mga naninirahan sa mga tabi ng karagatan at ilog sa lalawigan at sa tulong ng mga kasapi ng “Bantay Kalikasan “ at iba pang grupo ng mga environmentalists sa probinsya na magtulongan sa tumitinding pag-init ng mundo.

Sinabi pa niya na naitanim na ang 5,000 na mangroves sa mga coastal barangay sa  Sinait at Tagudin na palaging sinasalanta ng bagyo para magsilbing panlaban sa baha at “storm surge.”

Dapat mapangalagahan ang mga coastal areas para sa proteksyon ng mga kababayan na sinasalanta ng kalamidad at para mapayabong pa ang turismo sa mga karagatan na pinapasyalan ng mga dayuhan at local na turista, idinagdag ni Sinay.

Para magtagumpay ang kampanya ng “tree planting” advocacy sa mga kabundukan, nakipagpirma ang provincial government sa mga nongovernment organization (NGO’s) kabilang na ang mga  barangay officials para protektahan at diligin ang mga naitanim na seedlings sa kanilang lugar. # Source - (MCA/Ben P. Pacris /PIA-1/Ilocos Sur).

No comments:

Post a Comment