Tuesday, January 23, 2018

ANO NGA BA ANG WORK IMMERSION PROGRAM?

Ang Work Immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade 11  at 12) Curriculum na nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal na trabaho or “hands-on” experience upang maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong paggaya lamang sa aktwal na trabaho or ‘simulated’. Hindi maaring lumampas ng 8 oras bawat araw ang pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskwelahan at employers ang mga estudyante.

Hindi ito isang aktwal na kasunduan para makapagtrabaho. Ito ay isang proseso para maipakita sa mga estudyante ang proseso ng pagtrabaho at mapagbutihin pa ang kaalaman na ibinabahagi ng mga eskwelahan.

Pangunahing Gabay sa mga ‘Working Conditions’ sa Work Immersion Program:

1. Maari lamang ganapin ang work immersion program mula 8:00am - 5:00pm.

2. Para sa mga estudyante na mas mababa sa 15 ang edad, hindi maaring humigit sa 4 oras sa isang araw ang kanilang work immersion.

3. Ang estudyante ng SHS ay hindi maaring magsagawa ng work immersion sa mga industriya na "hazardous" (delikado) na nailathala  sa DOLE Dept Order No. 149, Series of 2016 (Guidelines in Assessing and Determining Hazardous Work in the Employment of Persons Below 18 years of Age).

4. Hindi maaring maging kapalit sa mga empleyado ang mga estudyante na nagsasagawa ng Work Immersion at maging sanhi ng pagbabawas ng mga benepisyo sa mga empleyado.
Para sa opisyal na pahayag ng DOLE, maari po ninyong puntahan ang website link na ito - Protection for Senior High School Students on K to 12 Immersion Program. #  Source - PhilJobNet.gov.ph

No comments:

Post a Comment