Friday, August 5, 2016

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

August 1, 2016 to August 31, 2016 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.
Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

a. ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. mahikayat ang iba’t-ibang ahensyang pampahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at

c. maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa. # Source: DepEd Memorandum Pangkagawaran Blg 2/www.dilg.gov.ph

No comments:

Post a Comment