Monday, August 22, 2016

PMA ENTRANCE EXAM NAISAGAWA SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Noong Agosto 21, nagsagawa ng  Philippine Military Academy (PMA) sa University of Pangasinan ng entrance examination para sa mga nais maging kadete.

Ayon sa PMA, ang naturang pagsusulit ay ang kauna-unahang hakbang sa proseso ng pagpili para sa cadetship sa premyadong leadership training school sa bansa.

Ang mga nais kumuha ng pagsusulit ay kinakailangang natural-born Filipino citizen; may taas na 5 feet; physically-fit;  may magandang asal; single at hindi pa ni minsan ikinakasal; high school graduate  kung saan ang mga nagtapos ng hayskul noong taong 2015, bago ipatupad ang K-12 program , ay maaaring mag-apply; at walang administrative o criminal case.

Ang mga papasa sa naturang eksaminasyon ay magiging bahagi ng PMA Class 2021 na opisyal na sasalubungin naman sa akademya sa isang Oath-Taking Ceremony and Reception Rites na gaganapin sa Abril 1, 2017.

Para sa mga karagdagang impormasyon, tumawag sa (074) 447-3686, (074) 447-2632 local 6751, 6752, Smart - 0928-559-7651, Sun Cellular - 0943-705-6890, Globe - 0917-896-4299 o sumulat sa Office of Cadet Admission, Philippine Military Academy, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, 2602, Baguio City. # Source - (JNPD/April M. Montes/PIA-1, Pangasinan)

No comments:

Post a Comment