Maglulunsad ang Ilocos Surians of Hawaii na binubuo ng mga professionals at negosyante na kinabibilangan din ng mga doctor at nars ng medical mission sa Heritage City sa panahon ng Kapaskuhan, ayon kay board member Jeremias “Jerry” Singson, chairman ng committee on health and appropriations sa Sangguniang Panlalawigan.
Kabilang sa medical mission ang libreng major o minor operations o surgery sa mga maralitang may sakit,” giit ni Bokal Singson na siya ring chairman ng JCS Foundation na tumutulong sa mga mahihirap na pamilya.
Sinabi ng kasapi ng Provincial Board na ang asosasyon na pinamumunuan ni Danny Villaruz, taga- Rancho sa Santa, ay tumutulong sa mga dukhang kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship grants sa mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante at relief goods at used clothes sa mga nasalanta ng kalamidad at mga kagamitan sa mga ospital ng gobyerno.
Kabilang sa mga miyembro nito ay sina dating Congressman Jun Abinsay ng Heritage City ng Vigan at dating Congressman Romy Cachola ng Narvacan na tumutulong din sa mga dukhang kababayan. Isa pang matagumpay na Ilocos Surian ay si Engr. Lito Alcantra, tubong San Vicente at naging pangulo ng Filipino-Amercan Chamber of Commerce and Industry sa Hawaii at siya rin ang may-ari ng The Builders, isa sa mga pinakamalaking construction company sa Honolulu.
Sinabi pa ni Singson na nagbigay pa ng donasyon ang Knight of Rizal Chapter ng New Jersey, USA ng mga reading glasses para maipamigay sa mga mahihirap na lolo at lola sa lalawigan maliban pa sa wheel chair na ibinibigay din ng provincial government.
Naglulunsad din ang JCS Foundation Medical Mission sa mga iba’t-ibang bayan lalo na ang mga liblib na pook para sa libreng konsultasyon at pagbibigay ng libreng gamut, reading glasses at used clothes sa mga dukhang pamilya. Umaabot na ng mahigit na 200,000 mahihirap na pamilya ang natulongan nito kabilang na ang mga taga- Abra at Ilocos Norte. (MCA/Ben P. Pacris/PIA-1/ Ilocos Sur).
No comments:
Post a Comment