Tara na’t iligtas ang kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo.
Tuwing buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ang National Blood Donor Month. Samatalahin natin ito upang tugunan ang panawagan ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) sa publiko na magbigay ng dugo.
Kinakailangan ang boluntaryong pagbibigay ng ligtas ng dugo upang magkaroon ng sapat na suplay para sa mga pasyenteng ang buhay ay nakasalalay dito.
Sa bawat blood donation, tatlo hanggang apat na katao ang maaaring mailigtas sa bingit ng kamatayan.
Maaari kang magbahagi ng dugo kung ikaw ay:
•Edad 16 hanggang 65 taong gulang
•May timbang na hindi mas mababa sa 110lbs (50 kg)
•May pulse rate sa pagitan ng 60 hanggang 100 tibok kada minuto (beat/minute) at regular na ritmo
•Blood pressure sa pagitan ng 90 hanggang 160 systolic at 60 hanggang 100 diastolic
•Hemoglobin na hindi bababa sa 125 g/L
•Ang isang taong may malusog na pangangatawan ay maaaring magbigay ng dugo kada tatlong buwan.
Kabilang sa maaaring makinabang sa dugong ibinahagi ay mga pasyenteng nawalan ng maraming dugo dahil sa aksidente o operasyon, mga pasyenteng may leukemia o hemophila, at mga nanay na nagkaroon ng komplikasyon sa panganganak.
Bukod sa kasiyahan o “sense of significance” na naidudulot nito sa blood donor, ang pagbibigay ng dugo ay nakabubuti rin sa resistensya at sirkulasyon, nakatutulong sa produksyon ng bagong red blood cells, at nakabababa ng tiyansang magkaroon ng mga sakit tulad ng kanser at sakit sa puso.
Pinakakaraniwang blood type ay ang Blood Group O, kasunod ang A, B, at AB. Mahigit 99% ng mga Pilipino ay Rh positive, at mas mababa naman sa isang porsyento ang Rh negative.
Sa mga gustong magbigay ng dugo, maaaring magtungo sa blood service facilities (BSF) ng mga ospital at mga nongovernment organizations (NGO), pati sa mga local government units (LGU), Philippine Red Cross, at Philippine Blood Center. Puwede rin kayong mag-abang sa iba’t ibang blood donation activities.
Kung may tanong pa tungkol sa pag donate ng dugo. Kontakin ang Philippine Blood Center, Quezon Avenue, Quezon City. (02) 709-3792 or 709-3703 ,or mobile: 0943-314-2873. # Source – www.doh.gov.ph
No comments:
Post a Comment